PHILIPPINES-Isang kapuluan ang bansang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas). Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Matatagpuan ito sa rehiyong tropikal ng daigdig sa may kanluran ng Karagatang Pasipiko. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.
Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat ng Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.
Malaking impluwensiya sa wika at kultura ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos(mula 1898 hanggang 1946). Ang relihiyong Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking impluwensiyang naibahagi ng mga Kastila sa kulturang Pilipino.
Tanyag ang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-angkat (export) at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remittances na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na sektor ang teknolohiyang pang-impormasyon (information technology) sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang sektor ng serbisyo na dulot ng mga call centers na naglipana sa bansa.
==============================
Featured Pic: (Wow Philippines)
Tubbataha ReefTubbataha Reefs Natural Park is home to some of the most beautiful coral reefs in the world. Rising from the volcanic depths of the Sulu Sea in the western Philippines, these magnificent atolls encompass an astonishing diversity of marine life.
(View Forum)==============================
Featured Pic: (Only in the Philippines)
(View Topic)==============================
Featured TopicGLORIA'S REGIME: the good, the bad, and the evil(View Topic)==============================
Featured Member
rumpleskatz(View Profile)==============================
ADD OUR FRIENDSTER ACCOUNT

Tsong may rakista mobile wallpapers and logos na! Pwede mo sya download straight to your cellphone. Kung MMS enabled phone mo pwede ka na mag download ng WALLPAPERS. Yung Mobile LOGOS naman pwede yan sa lahat ng phones. Kung gusto mo naman ng daily tips o alerts about a certain genre pwede ka rin mag subscribe.
For more info and mobile downloads >>
mobile/